Rekoberi ng Vendors: Public Market Development (Block 3 and 4) at Isyu ng Public Market Privatization

Ikalawang Hati ng 2009 – Disyembre 2012

Taong 2009, laganap ang takot sa nakaambang demolisyon sa market ambulant vendors dahil sa City Public Market Development Plan.  Sa isyung ito, muli nating nabalikan ang mga vendors.  Mainit ang usapin sa palengke.  Naipon ang mga lider sa palenngke, ilang bahagi ng CBD at mga parke.  Dito din natin unang nadugtungan ang Lourdes Grotto Vendors Association.



Muling prinuyekto ang pagbubuo ng pederasyon.  Isinilang ang Baguio – Benguet Vendors and Peddlers Federation, Inc. (BBVPFI).  Pormal itong inilunsad noong Hunyo 2011.

 

Mula sa palengke ang bulto ng kasapian.  Nagkaroon ng ilang mga konsesyon dahil sa kampanya.  Pansamantalang kinilala ang kasalukuyang mga pwesto, sa kasunduang mahigpit na ipatutupad ang mga patakaran – di lalagpas sa isang metro, one-tray policy, mahigpit na pagsunod sa vending time, pagtiyak na sang-ayon ang mga stall owners sa pagtitinda ng ambulant vendors sa tapat ng kanilang mga stalls.

 

Naitayo ang Block 3.  Ilan lamang sa sidewalk market vendors ang nakapwesto.  Tumampok ang magulo at padrino-system na pagpupwesto sa Block 3.  Gayunpaman, kahit naghigpit, patuloy na nakapagtinda ang sidewalk at ambulant market vendors.  

 

Dahil malaki ang kasapian ng Pederasyon, eentra ang trapo.  Nag-alok ng proyektong pangkabuhayan.  Dito muling nabulabog ang core of leaders at officers.  Sa pag-aayos ng proyekto, unti-unting dumistansiya sa Kaisa Ka ang liderato ng BBVPFI.  Pagdating ng proyekto, ganap na hati na ang Pederasyon.  Napunta sa minorya ang proyektong computer shop na nakuha sa DOLE, na inindorso ng Kongresman

Advertisements